-- Advertisements --
Idineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang BRP Teresa Magbanua at PCG Islander 251 upang harangin ang Chinese research vessel na Jia Hai Ke 7, na namataan sa layong 37 nautical miles northwest ng Itbayat, Batanes, simula pa noong Setyembre 28.
Ayon sa PCG, napigilan nila ang umano’y hindi awtorisadong marine scientific research ng Chinese vessel sa lugar.
Pinalibutan ng BRP Teresa Magbanua, gamit ang isang inflatable boat, ang Jia Hai Ke 7 upang pigilan itong magpatuloy sa paggalaw sa nasabing karagatan.
















