-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Philippine Tennis Association (PHILTA) na napili ang Pilipinas para maging host ng dalawang Women’s Tennis Association (WTA) tournaments.
Ito ay matapos na aprubahan ng WTA ang hosting application ng PHILTA.
Target nilang gawin ang WTA 125 sa Enero pagkatapos ikalawang linggo ng Australian Open.
Habang ang WTA 250 ay maaaring gawin sa Oktubre hanggang Nobyembre.
Ayon kay Philippine Tennis Association (PHILTA) na labis silang natutuwa dahil sa pag-apruba ng WTA na maging host ang Pilipinas.
Magugunitang noong Enero ay isinagawa ang WTA 125 Philippine Women’s Open kung saan kabilang sa naglaro ay si Alex Eala.
















