-- Advertisements --
Pasok na sa quarterfinals ng Dubai Tennis Championship si Pinay tennis star Alex Eala.
Ito ay matapos na ma-sweep niya ang laban kay Sorana Cirstea sa score na 7-5, 6-4.
Tinapos ng 20-anyos na si Eala ang laro laban kay World number 32 Romanian tennis player sa loob ng isang oras at 38 minuto.
Sa unang round ay hawak ng Romanian tennis player ang kalamangan 4-5 subalit hindi bumitiw si Eala hanggang nakontrol ang laro.
Pagpasok ng ikalawang set ay dala pa rin ni Eala ang momentum at tuluyang tinalo si Cirstea.
Pinasalamatan ni Eala ang mga fans na nanood sa laro kung saan ito ang isa sa mga nagdadagdag ng kaniyang lakas.
Susunod na makakaharap nito si World number 4 na si Coco Gauff para sa quarterfinals.














