-- Advertisements --

Hindi umubra si Pinay tennis star Alex Eala kay world number 4 Coco Gauff sa quarterfinals ng Dubai Open Championships.

Nakuha ng American tennis star ang panalo sa score na 6-0, 6-2 para tuluyang tapusin ang kampanya ni Eala sa nasabing torneo.

Sa simula pa lamang ng laro ay dominado ng American tennis star ang laro kung saan tinapos nito ang unang set ng wala pang 30 minuto.

Ang Dubai Tennis Championships ay siyang pang-anim na torneo ni Eala ngayong taon.

Pagkatapos naman ng Dubai tennis ay magtutuno na si Eala sa US para sa pagsali nito sa Wells Open o BNP Paribas Open sa California na magsisimula mula Marso 4 hanggang 15.

Muli din ito ng maglalaro sa MiamiOpen na magsisimula naman sa Marso 17 hanggang 29.