Pinatawan ng parusang 30 buwang pagkakulong sa United States ang dalawang Chinese nationals matapos umamin sa pagtatangkang mag-recruit ng mga miyembro ng US military upang mag-espiya para sa Beijing.
Kinilala ng US Department of Justice (DOJ) ang mga nasentensiyahan na sina Liren “Ryan” Lai at Yuance Chen na binigyan din ng tatlong taong supervised release.
Nagsagawa ang dalawa ng “dead drop” cash payments kung saan nag-iwan sila ng libo-libong dolyar kapalit ng mga impormasyong may kaugnayan sa US national security.
Lumalabas sa mga dokumento ng korte na nagsimulang kumilos ang dalawa bilang mga agent ng Ministry of State Security ng China noong Mayo 2021.
Kumuha rin ang mga akusado ng mga larawan ng naval facility, military recruits, at active-duty sailors habang nag-ipon ng personal na datos ng isang kawani ng US Navy.
Naghain ng guilty plea sina Lai at Chen sa mga kasong conspiracy to act as agents at acting as agents of a foreign government nang walang paunang abiso sa US Attorney General.













