Binitay ng China ang 11 miyembro ng Ming family na itinuturing bilang notorious mafia na nagpapatakbo ng multibillion-dollar scam industry sa Myanmar.
Sinentensiyahan ng kamatayan ang mga ito ng korte sa Zhejiang province sa China noong Setyembre matapos mapatunayang guilty sa patung-patong na kaso ng homicide, illegal detention, fraud at pagpapalakad ng gambling dens.
Ang Ming ang isa sa maraming clan na nagpapatakbo ng Laukkaing town sa Myanmar, na ginawang mga hub ng casinos at sex trade.
Bumagsak ang kanilang empire noong 2023 nang sila’y makulong at ipasakamay sa China ng mga katutubong militias na nakasakop sa Laukkaing town sa gitna noon ng civil war sa Myanmar.
Ang pagbitay sa mga miyembro ng mafia ay nagpapaabot ng mensahe ng deterrence o pagpigil ng China sa mga magtatangkang magsagawa ng scam activities.
















