-- Advertisements --

Naniniwala si Kabataan Party-list Rep. Renee Co na may nangyayaring pagharang sa ipinasa nilang impeachment complaint laban kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.

Maalalang hindi tinanggap ng Kamara ang kanilang complaint dahil sa naihain ito habang nasa Taiwan si House Secretary General Cheloy Garafil.

Ayon sa mambabatas, isa itong uri ng pagharang sa karapatan ng bawat isa na panagutin ang mga impeachable official ng bansa, tulad ni pang. Marcos.

Nangako naman ang neophyte lawmaker na gagawin nila ang lahat ng paraan para umusad ang kanilang reklamo.

Kung babalikan kahapon (Jan. 22), nag-iwan ng kopya ng complaint ang Makabayan Coalition sa kabila ng hindi pagtanggap ng Kamara sa kanilang reklamo.

Katwiran ng mga ito, ang iniwang kopya ay itra-transmit sa Office of the House Speaker pagsapit ng Lunes o kapag nagbalik sesyon na ang Mababang Kapulungan.

Ikinukunsidera pa rin kasi ng grupo na naihain na ang kanilang reklamo dahil nasunod nila ang mga requirement sa paghahain ng impeachment complaint dahil ito ay verified na at may endorsement.