Dinumina ng Pinay tennis star na si Alex Eala ang laban kontra Paris Olympics silver medalist Donna Vekic sa nagpapatuloy na Kooyong Classic sa Melbourne, Australia.
Ang naturang torneo ay isang exclusive, by-invite exhibition tournament na nilalahukan ng mga kilalang tennis star bago ang nakatakdang Australian Open.
Nauna nang tinalo ni Eala si Vekic sa katatapos na ASB Classic sa Auckland sa score na 4-6, 6-4, 6-4. Sa pinakahuling laban, hindi na umabot sa deciding set matapos ang dominanteng performance ni Eala, 6-3, 6-4.
Sa taong ito, nagawa na ni Eala na manalo sa apat sa kanyang limang singles match bago ang inaabangang pagsabak niya sa Australian Open.
Samantala, parehong nakatakdang lumahok sina Eala at Vekic sa WTA125 Philippine Women’s Open ngayong buwan.
Gayunpaman, hindi pa tiyak kung muling magtatagpo ang dalawa sa nasabing torneo.
















