-- Advertisements --

Ikinatuwa ni Gilas Pilipinas guard Dwight Ramos ang pagsali na ni Quentin Millora-Brown sa second window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Sa nasabing torneo kasi ay makakaharap ng Gilas Pilipinas ang New Zealand at Australia.

Sinabi ni Ramos na malaking tulong sa kanila ang presensya ni QMB.

Inamin nito na underdogs ang Pilipinas laban sa Australia at New Zealand.

Magugunitang hindi nakasama si Kai Sotto dahil sa hindi tuluyang paggaling ng kaniyang injury at may liga pa itong haharapin sa Japan.