-- Advertisements --
Maituturing na dagdag lakas ng Gilas Pilipinas ang mga fans na manonood ng 2nd windws ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Ayon kay Gilas coach Tim Cone, na isang malaking tulong para sa kanila ang mainit na pagsuporta ng mga fans.
Sa araw ng Huwebes kasi ay makakaharap nila ang New Zealand habang sa Marso 1 naman ay ang Australia sa opening game ng Group A.
Maituturing na isang malaking karangalan ang paglalaro ng Gilas sa harap ng Pinoy fans.
Naniniwala si Cone na sa mga line up niya ngayon ay kaya nilang makipagsabayan sa mga malalaking manlalaro ng New Zealand at Australia.
















