Kumpiyansa ang human rights lawyer na si Neri Colmenares na umuusad na patungo sa isang pormal na paglilitis ngayong taon ang kasong kinakaharap ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Colmenares, sapat at matibay ang ebidensya upang tuluyan nang maikasa ang kaso laban sa dating pangulo.
Inaasahang maglalabas ng pormal na kumpirmasyon ang ICC pagdating ng Abril.
Bagama’t pinayagan ng ICC si Duterte na lumiban sa confirmation hearings na nagsimula ngayong araw, Pebrero 23, magiging obligado siyang dumalo sa mismong trial kapag pormal nang nakumpirma ang mga paratang laban sa kaniya.
Ipinaliwanag ni ICC spokesman Oriance Maillet na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Rome Statute ang paglilitis na wala ang presensya ng nasasakdal.
Kapag nakumpirma ang mga charges, inaasahang didiretso agad ang proseso sa trial nang walang anumang pagkaantala.
















