-- Advertisements --

Inanunsyo ng General Authority of Civil Aviation (GACA) na isang drone strike ang tumama sa Kuwait International Airport na nagresulta sa minor injuries sa ilang manggagawa at pinsala sa passenger building o Terminal 1 (T1) ng paliparan.

Sa isang pahayag na inilabas ng tagapagsalita ng ahensya na si Abdullah Al-Rajhi, agad na ipinatupad ng mga kinauukulang ahensya ang emergency procedures para aksyunan ang dinulot na pinsala ng pag-atake.

Dahil dito agad din daw naresolba ang insidente, at na-secure ang lugar kung saan sinimulan din ang assessment operations alinsunod sa umiiral na safety protocols ng paliparan.

Nagbigay din ng agarang tulong medikal ang ahensya sa mga nasugatan, na nagtamo ng mga minor injuries.

ayon sa ulat sinimulan na rin ng technical team ang kanilang evaluation ukol sa lawak ng dinulot na pinsala ng drone strike gayundin ang operational procedures ng airport upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo.

Tiniyak din ng GACA na kontrolado na ng mga awtoridad ang sitwasyon at nananatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan ng mga pasahero at empleyado ng paliparan.

Dagdag pa ng ahensya, maglalabas ito ng karagdagang impormasyon sa oras na may makumpirmang detalye.