Nagbabala si Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na handa ang Tehran na “gumanti nang buo” laban sa Estados Unidos kung muling umatake, kasunod ng malupit na crackdown sa protesta na nag-iwan ng libo-libong patay.
Lumabas ang pahayag matapos kanselahin ng World Economic Forum ang imbitasyon ni Araghchi dahil sa pagpatay sa mga demonstrador. Kasabay nito, gumagalaw na patungong Indian Ocean ang aircraft carrier USS Abraham Lincoln at mga American destroyers, na posibleng tumungo sa Middle East.
Umabot na sa 4,519 ang nasawi at higit 26,300 ang naaresto mula nang magsimula ang protesta, pinakamataas na bilang sa Iran sa loob ng mga dekada. Inamin ni Supreme Leader Ayatollah Ali Khamenei na “several thousand” ang napatay at sinisi ang U.S.
Binalaan pa ni Araghchi na ang posibleng all-out confrontation ay “lalaganap sa rehiyon” at tatagal nang mas matindi kaysa inaasahan ng Israel at Washington. (report by Bombo Jai)
















