-- Advertisements --
Plano ngayon ng Quezon City Government na ibalik sa ang Lechon Festival sa buwan ng Mayo.
Pinulong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang La Loma Lechoneros para pag-usapan ang nasabing aktibidad.
Kasama rin na tinalakay sa pulong kung paano mapanatili ang kalinisan para maging ligtas ang ibinebentang lechon sa La Loma.
Pinakinggan din ng Alkalde ang mga hinaing ng mga negosyante ng lechon.
Magugunitang noong Nobyembre ay ipinasara ng ilang linggo ang ilang lechunan sa La Loma matapos na magpositibo sa African Swine Fever ang ilang baboy doon.
Umaasa naman ni Belmonte na ang nasabing festival ay makakaakit ng maraming turista para maging mabuhay ang negosyo ng mga magli-litson sa lugar.
















