-- Advertisements --
Papayagan lamang ng Quezon City Government ang mga grupo na magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng EDSA People Power annversary sa Pebrero 25 basta mayroon silang sapat na permit.
Ayon sa QC government na walang magiging problema kung magsagawa sila ng kilos protesta basta mayroong koordinasyon sila sa lungsod.
Layon nito ay para maging mapayapa ang gagawing paggunita ng ika-40 anibersaryo ng EDSA People Power.
Magugunitang ilang grupo na ang nagpahayag ng magsasagawa ng kilos protesta kasabay ng EDSA People Power anibersaryo.
Isasabay din dito ang trillion peso march na layon ay panagutin ang mga nasa likod ng flood control project anomalies.















