-- Advertisements --
Sinorpresa nina TJ Monterde at KZ Tandingan ang kanilang concert tour staff ng tig-P100,000 bawat isa.
Sa social media account ni TJ ay nagpost ito ng video na binigya ng scratch card ang mga staff.
Hindi nito sinabi agad na lahat ng card ay pare-pareho na P100-K at sa halip ay mayroong P5-K, P10-K, P20-K at P50-K.
Labis ang kasiyahan ng mga staff ng lahat sila ay nagkamit ng P100-K.
Ang nasabing regalo ay bilang pasasalamat sa naging tagumpay ng kanilang “Sarili Nating Mundo” world tour.
















