-- Advertisements --

Napilitang sagutin ng American rapper na si Doja Cat ang mga puna ng fans.

Sa pagsisimula ng kaniyang “Ma Vie World Tour” sa Aucklan, New Zealand, ay umani ito ng batikos mula sa mga fans.

Pinuna kasi ang kakulangan ng visuals, structure ganun din ang outfit ng singer.

Sinabi naman ng 30-anyos na rapper na hindi siya Broadway actress at gumagawa lamang ito ng mga kanta at nag-eenjoy sa mga kanta.

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na punahin ng mga fans ang rapper na naging sanhi pa ng pag-deactivate ng kaniyang social media account.