-- Advertisements --
Naghahanda na si “America’s Got Talent” Season 20 champion Jessica Sanchez para sa pagbabalik sa eksena ng musika.
Kasunod ito sa ilang buwan noong isinilang niya ang anak na si Eliana Mae.
Sa kaniyang social media account ay ibinahagi ng Filipino-American ang update ng pagiging ina.
Dagdag pa nito na nakaranas pa siya ng anim na buwan na postpartum at hindi niya maipaliwanag ang ilang pagbabago sa buhay niya.
Sabik na rin ito sa bagong proyekto na kasalukuyan niyang inaayos.















