-- Advertisements --
Inaresto ng US immigration ang singer na si Mark Mabasa ang anak ng pinaslang na radio broadcaster na si Percy Lapid.
Ayon sa US Immigration and Customs Enforcement (ICE) Online Detainee Locator System, nakapiit na ngayon si Mark Louis Santiago Mabasa sa Adelanto ICE Processing Center sa California.
Hindi pa natatanggap ng pamilya nito ang detalye kung bakit naaresto ang singer.
Ang pamilya ni Percy Lapid ay kasalukuyang nasa proseso ng political asylum sa US.
Magugunitang pinagbabaril si Lapid sa lungsod ng Las Pinas noong Oktubre 2022.
Itinuturong mastermind sa pamamaril si dating Bureau of Corrections director general Gerald Bantag.
















