-- Advertisements --

Inilabas na ng organizer ng Coachella music festival ang kanilang line-up ng mga artists sa susunod na taon.

Pinangungunahan ito ng singer na si Dua Lipa na siyang kauna-unahang British singer na gumawa ng headline sa nasabing music festival.

Gaganapin ang music festival sa California desert sa darating na Abril 9 hanggang 11 at 16 hanggang 18.

Inaasahan na dadaluhan ito ng mahigit 100,000 na mga fans.

Kabilang sa mga listahan na dadalo ay ang beteranang singer na si Madonna, Swedish pop star Zara Larsson, US singer-songwriter na si Phoebe Bridgees , Diljit Dosanjh , Blackpink member Jisoo, US Star Kehlani , rock band na Weezer at singer na si Robyn.

Kabilang na magtatanghal ang Pinoy group na SB19 kung saan ito na ang pangalawang taon na mayroong Pinoy na kalahok dahil itong taong ito ay nagtanghal ang grupong BINI.