-- Advertisements --

Nagising mula sa coma ang singer na si Bonnie Tyler matapos ang emergency surgery nito noong nakaraang buwan.

Ang 75-anyos Welsh star ay nasa-coma sa pagamutan sa Faro, Portugal noong buwan ng Mayo habang ito ay nagpapagaling.

Sinabi ng pamilya nito na wala na siya sa coma subalit nananatili itong mahina at nasa intensive care sa Portugal.

Kumpiyansa naman ang kaniyang doctor na gagaling ito subalit ito ay magtatagal pa.

Ilan sa mga pinasikat ng singer ay ang kantang “Total Eclipse of the Heart” , “Holding Out for a Hero” at maraming iba pa.