-- Advertisements --
Muling ipinakita nina Katy Perry at dating Canadian Prime Minister Justin Trudeau ang kanilang matibay na relasyon.
Magkasabay ang dalawa na naglakad sa red carpet sa unang pagkakataon sa 2026 Tribeca Film Festival para sa premiers ng concert ni Perry na “Katy Perry: The Lifetime Tour- Live in Paris”.
Mahigit isang taon ng makita ang dalawa na magkasama sa publiko.
Makailang ulit din na nakita si Trudeau na dumalo sa konsiyerto ni Perry.
Unang isinapubliko ng dalawa ang kanilang relasyon noong Disyembre ng ibahagi nila ang mga larawan sa biyahe nila sa Japan.
















