-- Advertisements --
Patay ang isang babae habang pinaghahahanap naman ang mister nito matapos tangayin ang sinasakyan nilang pampasaherong jeepney na binabagtas ang malakas na agos ng Paninsingin River sa Brgy. Colongan, Rosario, Batangas nitong hapon ng Sabado, Oktubre 3.
Namataan ang katawan ng babae sa isinagawang search and rescue operations na ikinasa ng mga awtoridad.
Batay sa imbestigasyon, pinilit umano ng driver ng jeepney na tawirin ang ilog sa kabila ng malakas na agos dulot ng pag-ulan sa karatig na lugar at pangamba ng mga pasahero.
Samantala, labindalawa naman ang nai-rescue sa tulong ng mga residente sa lugar, habang tuloy pa rin ang paghahanap ng awtoridad sa nawawalang lalaki.
















