-- Advertisements --

Ibinunyag ng singer na si Maegan Aguilar na ito ay nasa loob ng rehabilitation facility noong pumanaw ang amang si Freddie Aguilar.

Namayapa ang beteranong singer noong Mayo 2025 sa edad na 72 dahil sa multiple organ failure.

Inaalala nito ang labis na kalungkutan dahil isang buwan bago ang kaniyang kaarawan ay namayapa ang ama nito.

Wala aniya itong magawa dahil sa nasa loob siya ng rehabilitation facility.

Hindi aniya siya pinayagan ng kaniyang doctor na makalabas dahil baka lalong makabalik pa ito sa kaniyang masamang gawain.

Paglilinaw naman nito na kaniyang naayos ang anumang gusot nito sa ama habang sila ay nag-video call.

Ito na ang pangalawang pagkakataon ng singer na mapasok sa rehab kung saan ibinahagi niya kung gaano nag-iba ang kaniyang pananaw sa buhay kasama ang pamilya nito.