-- Advertisements --
Ibinahagi ng singer na si Karylle na sumailalim ito ng ACL surgery o anterior cruciate ligament reconstruction.
Sa kaniyang social media account ay nagpost ito ng mga larawan habang nasa pagamutan.
Dagdag pa nito na ibabahagi niya ang ilang mga detalye ng kaniyang operasyon kapag tuluyan na itong gumaling.
Taong 2014 ng ikinasal ito sa frontman ng bandang Spongecola na si Yael Yuzon.
















