-- Advertisements --

Ipinasa na ng mga mambabatas ng France ang batas sa pagbabawal sa mga bata na gumamit ng social media.

Sila ang unang bansa sa European Union na pagbawala ang mga edad 15 pababa na gumamit ng social media.

Pinaburan ng majority ng mga mambabatas sa France ang panukalang batas at ito ay nakatakdang pirmahan na ni French President Emmanuel Macron para tuluyang maging batas.

Noong nakaraang taon kasi ay nagtala ng kasaysayan ang Australia sa pagbabawal sa mga bata na may edad 16 pababa na gumamit ng social media
.
Habang inanunsiyo ng British government ang kaparehas na pagbabawal.

Sa susunod naman na taon ay magiging epektibo sa mga bansang Spain, Greece at Denmark na limitahan ang edad sa paggamit ng social media.