Balik-court na at handa nang magsanib-puwersa para sa Gilas Pilipinas sina Kai Sotto at AJ Edu matapos ang ilang buwang pagpapagaling mula sa kani-kanilang pinsala.
Matatandaang ininda ni Kai Sotto ang kaniyang ACL injury noong nakaraang taon, dahilan upang hindi siya makapaglaro sa FIBA Asia Cup at maging sa unang tatlong windows ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.
Inaasahang mas magiging malakas ang puwersa ng Gilas sa Window 4 ng FIBA World Cup Asian Qualifiers na magaganap ngayong Biyernes. Makakasama rin ni Sotto ang kaniyang frontcourt buddy na si AJ Edu.
Huling nagsama ang 7-foot-3 na si Sotto at ang 6-foot-10 big man na si Edu noong 2023 FIBA World Cup, kung saan nagpakita ang dalawa ng matatag na chemistry sa court.
Nakatakdang makalaban ng Gilas ang Jordan sa August 28, habang ang Iran naman ang kanilang makakatapat sa August 30.
















