-- Advertisements --
Inanunsiyo ng Austria ang pagbabawal ng paggamit ng social media sa mga kabataan na edad 14 pababa.
Ayon kay Vice-Chancellor Andreas Babler ng Social Democrats, na hindi na makayanan pa ng kanilang gobyerno ang negatibong epekto ng social media sa kanilang mga kabataan.
Dagdag pa nito na responsibilidad din ng mga pulitiko na pangalagahan ang kapakanan ng mga bata.
Maituturing din ito na isang uri ng adiksyon gaya sa alkohol at tobacco.
Magugunitang ilang mga bansa na ang nagpasa ng batas para sa pagbabawal sa mga kabataan na gumamit ng social media.
Ito ay kinabibilangan ng Denmark, Greece, Spain at Ireland.
















