-- Advertisements --

Inanusiyo ng beteranang singer na si Celine Dion ang pagbabalik niya sa paggawa ng mga konsiyerto.

Sa kaniyang social media account ay magsasagawa ito ng 10 concerts sa Paris mula Setyembre hanggang Oktubre.

Isinagawa nito ang anunsiyo kasabay ng kanilang ika-58 kaarawan nitong araw ng Lunes.

Dagdag pa nito na itinuturing niyang isang regalo sa kaniyang kaarawan ang anunsiyo ng pagbabalik niiya sa stage.

Magugunitang mahigit isang taon itong hindi nagtanghal sa stage matapos na dapuan ng kakaibang neurological disorder.

Ibinahagi rin ng singer sa kaniyang social media account ang mga posters ng mga show niya na gaganapin sa Paris.