-- Advertisements --

Sinimulan na ng kumpanyang Meta ang pagtanggal sa mga bata sa Australia na may edad 16 na pababa mula sa kanilang social media na Facebook, Instagrams at Threads.

Ayon sa Meta na isang linggo pa lamang bago ipatupad ang batas sa Australia nitong Disyembre 10 ay kanilang inalis ang mga social media users na mula sa Australia na menor de edad.

Tinatayang nasa 150,000 Facebook users at 350,000 Instagram accounts ang apektado.

Ang Australia ay siyang unang bansa na nagpatupad ng social media ban kung saan pagmumultahin nila ang social media companies ng nasa $33-M kapag hindi ito ipinatupad.