-- Advertisements --
Malungkot na ibinahagi ng magkapatid na sina Anne Curtis at Jasmine Curtis-Smith ang pagpanaw ng kanilang amang si James Smith sa edad na 82.
Sa kanilang social media account ay nagpost ang dalawa ng larawan ng amang pumanaw noong Enero 2, 2026.
Hindi naman na binanggit ng dalawa ang sanhi ng kamatayan ng kanilang ama.
Nakatakda sanang magdiwang pa ng ika-83 na kaarawan ang ama sa darating na Pebrero.
Bumuhos naman ang pakikiramay mula sa kasamahan nila sa showbiz matapos mabalitaan ang malungkot na balita.
















