-- Advertisements --

Masayang ibinahagi ng aktor na si Albie Casiño ang ginawang pag-alok sa kasal ng kaniyang non-showbiz girlfriend.

Sa kaniyang mga social media account ay nagpost ito ng mga larawan ng proposal sa kaniyang partner na si Michelina.

Makikita sa larawan ang engagement ring at ang isa ay kasama nila ang isang-taong gulang na anak na si Roman Andrew.

Bumuhos naman ng pagbati mula sa kapwa artista ng mabalitaan ang magandang balita mula sa aktor.