Ipinatupad ng Pilipinas ang mga targeted initiatives upang suportahan ang recovery at pangmatagalang paglago ng turismo, kabilang ang pinalawak na air access, language training para sa tourism workers, at mga bagong study-based travel offerings, ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco.
Ibinahagi ni Frasco ang mga hakbang ng bansa sa 5th Meeting of the ASEAN–Russian Federation Tourism Ministers, kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangang muling buuin ang tiwala ng mga biyahero sa pamamagitan ng maaasahang connectivity, malinaw na impormasyon, pare-parehong pamantayan, at de-kalidad na human capital.
“From the Philippine perspective, we are pursuing concrete initiatives that reflect this approach,” ani Frasco.
Kabilang sa mga binanggit niyang hakbang ang chartered flights na nagbibigay ng direktang access sa Kalibo para sa mga Russian tourist, mas maraming destination options, at Russian-language training para sa mga tour guide upang mapabuti ang serbisyo at engagement ng mga bisita.
Noong Oktubre ng nakaraang taon, nagsimula ang direct flights ng Iraero Airlines na nagdadala ng mga turista mula sa mga lungsod ng Russia tulad ng Irkutsk at Khabarovsk patungong Kalibo.
Dagdag pa ni Frasco, bumubuo rin ang Pilipinas ng mga study programs bilang travel product, bilang tugon sa lumalaking interes ng mga turistang Ruso.
Inilarawan ng DOT chief na ang turismo bilang isang anyo ng people-to-people diplomacy, na hindi lamang nagpapalago ng kabuhayan kundi nagtatatag din ng tiwala sa pamamagitan ng personal na ugnayan.
“When visitors are welcomed with dignity and return home with respect for the places and people they have met, tourism becomes a steady form of people-to-people diplomacy,” aniya.
Binanggit din niya na bagama’t maraming oportunidad para sa kooperasyon ang ASEAN at Russian Federation, mahalagang palakasin ang confidence sa travel systems upang matiyak ang tuloy-tuloy na pagbangon at pag-unlad ng turismo.
Sa hinaharap, sinabi ni Frasco na ang mga talakayan sa ASEAN–Russian Federation Tourism Work Plan para sa 2026 at mga susunod na taon ay tututok sa sustainable tourism, digital transformation, innovation, capacity building, knowledge exchange, at joint promotion.
“The Philippines encourages a candid and constructive exchange focused on concrete deliverables for our peoples,” dagdag niya, sabay-giit na layunin nito ang isang resilient at inclusive tourism sector na may pangmatagalang halaga para sa rehiyon.










