Muling tiniyak ng Department of Tourism (DOT) ang matibay nitong paninindigan sa kaligtasan ng mga turistang mula sa South Korea na may pinakamalaking bilang ng mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas.
Ayon kay Tourism Secretary Christina Garcia Frasco, nangunguna ang South Korea sa tourist arrivals sa bansa noong 2024, na may kabuuang bilang na 1.57 milyon at nagbibigay ng humigit-kumulang USD2.3 billion na kita sa ekonomiya ng Pilipinas.
Iminungkahi ni Frasco ang paglikha ng National Task Force on Tourist Safety matapos ang naganap napagpu-pulong nila ni Executive Secretary Lucas Bersamin noong Mayo 21.
Kasama ang United Korean Community Association na mayroong zero-tolerance policy laban sa krimen sa mga turista.
Kasama sa mga hakbang ng DOT ang pagpapalakas ng presensya ng pulisya sa mga tourist spots. Habang iminungkahi rin ng Presidential Anti-Organized Crime Commission ang pagtalaga ng mga Korean-speaking police, at mas maraming tourist desks.