Kinwestiyon ng isang law firm ang pag-deny ni Vice President Sara Duterte sa dating aide na si Ramil Madriaga, na nag-akusa sa kanya ng pagtanggap ng 2022 campaign funds mula sa umano’y mga drug lord at Philippine offshore gaming operators (POGO).
Ayon sa Palad Lauron Palad & Te, na kumakatawan kay Madriaga, may ebidensya sila na sumasalungat umano sa pahayag ng Bise.
Tulad umano ng invitations, videos, screenshots, testimonies, at public statements na nagpapakita umano ng nakaraang interaction ng dalawa.
Tinalakay rin ng law firm ang pag-deny ni Col. Raymund Dante Lachica, dating chief of security ni VP Sara, kaugnay ng cyberlibel case laban kay Madriaga.
Ayon sa kanila, batay sa sworn affidavits at congressional records, ipinakilala si Madriaga kay Lachica sa pamamagitan ng ibang opisyal, at ‘diumano ay may malalaking halaga ng confidential funds na naibigay kay Lachica.
Aniya pa ng law firm, nag-file si Lachica ng kaso laban kay Madriaga, ngunit hindi laban sa mga state officials na nagpatotoo sa pangyayari.
Nilinaw din ng law firm na hindi kailanman sinabi ni Madriaga na classmate niya si VP Duterte.
Naging schoolmate lamang daw ng pangalawang Pangulo sa San Sebastian College-Recoletos Manila si Madriaga.
Hindi rin daw bahagi ng Presidential Security Group (PSG) ang kanilang kliyente kundi isang specialized trainer.
Wala rin daw itong kaso ng kidnapping, maliban sa isang 1997 case kung saan siya ay na-acquit noong 2003.
















