-- Advertisements --
Patuloy ang pagbibigay babala ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa naglipana pa rin mga iligal na online lending platform sa bansa.
Ayon sa SEC na naglabas na sila ng mga listahan ng mga listahan na hindi nila otorisado maging ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Hinikayat nila ang publiko na agad na isumbong sa kanilang tanggapan ang operasyon ng nasabing iligal na online lending platform.
Magugunitang maraming mga reklamo na rin na ipinarating sa kanilang tanggapan matapos na mabiktima umano ang mga ito ng iligal na online lending app.
May mahigpit din sila na ugnayan sa iba’t-ibang ahensiya para agad na maaksyunan ang kanilang rekalmo.














