-- Advertisements --

Pinayagan ng Sandiganbayan Third Division si dating House Speaker Martin Romualdez na dumalo sa pre-trial proceedings sa pamamagitan ng videoconference ngayong araw,Setyembre 25.

Nahaharap si Romualdez ng P7.4- bilyon pludner case sa Sandiganbayan kung saan una ng naghain ito ng not guilty plea dahil sa kaso noong Setyembre 16.

Sinabi naman ni Sandiganbayan Third Division clerk of court na si Dennis Pulma, na gaganapin ang pagdinig sa kaso ni Romualdez ng 8:30 ng umaga.

Nakatakda ring maghain ng bail petition si Romualdez sa kaniyang kasong plunder.

Maaring talakayin din ang nasabing usapin sa pretrial proceedings.

Magugunitang noong Setyembre 7 ng maglabas ang Third Division ng warrant of arrest laban kay Romualdez at kay dating Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co at dalawang iba pa sa kasong plunder matapos na kumuha umano ang mga ito ng kickbacks na nagkakahalaga ng P7.44-B.