-- Advertisements --

Patuloy na nagpapatupad ng psychological first-aid ang Department of Education (DepEd) para sa mga guro at estudyanteng naapektuhan ng insidente ng pamamaril sa Banga, South Cotabato.

Ayon kay DepEd Secretary Sonny Angara, nakaranas ng matinding trauma ang maraming guro at mag-aaral dahil sa nasaksihang karahasan, kung kaya’t posible na hindi pa sila handang magbalik sa pormal na klase.

Tiniyak ng kalihim na nakatutok ang kawanihan sa seguridad ng buong paaralan kasabay ng mga pagsisikap na maibalik sa normal ang sitwasyon para sa lahat ng maapektuhang sektor.

Kabilang sa mga kongkretong hakbang ng ahensya ang paglulunsad ng online school safety upang turuan ang mga bata at magulang na agad na matukoy kung may pinagdadaanang problema ang isang mag-aaral.

Inihayag din ng kalihim na sa mga nagdaang insidente ng karahasan sa mga paaralan, ang mga sangkot na suspek ay karaniwang nasa edad 13 hanggang 16 na lubhang emosyunal at vulnerable, kung kaya’t nangangailangan sila ng masusing gabay at atensyon.