Mahigpit na binabantayan ng DOT-7 ang posibleng overpricing sa pagdiriwang ng Sinulog sa Cebu upang matiyak ang patas, makatarungan, at tapat na presyo ng mga serbisyong tinatamasa ng mga turista at bisita.
Sa pagtatanong ng Star Fm Cebu kay DOT-7 OIC–Regional Director Gelena Asis-Dimpas, sinabi nito na hindi lamang tuwing Sinulog nagkakaroon ng insidente ng overpricing kundi maging sa iba pang mga malalaking kaganapan.
Gayunman, karamihan umano ng mga reklamo ay nagmumula sa mga hindi rehistradong operators, partikular na ang mga activity operators.
Aniya, agad na kumikilos ang ahensya sa pakikipag-ugnayan sa DTI at lokal na pamahalaan upang imbestigahan ang mga kasong kahalintulad nito.
Sinabi pa ni Dir. Gelena Asis-Dimpas, nagsasagawa rin ng proactive measures ang ahensya tulad ng planning sessions at dayalogo upang matiyak ang patas na presyo ng mga serbisyo.
“Once we identify them, there is an investigation whether indeed there is a pricing. But it always start with a report coming from the whoever is experiencing that. But proactively, there is a planning session or dialogue between the lgu, DOT, coordination with DTI especially if it involves with overpricing,” saad nito.
Binigyang-diin pa niya ang kahalagahan ng mga aktibidad tulad ng Sinulog sa pag-akit ng mga turista at pagpapalago ng turismo sa rehiyon.
Binanggit pa nito na sa kabila naman ng mga hamon, tiwala silang magpapatuloy ang mataas na bilang ng mga bisita at magdudulot ng positibong epekto sa mga komunidad.
Hinihikayat din nito ang lahat na magtulungan upang masigurong magaan at makatarungan ang karanasan ng bawat isa.
“We expect na that we will once again not just the same numbers but impact, positive impacts that communities we serve. We expect visitors would come as how it’s always been in the past January, and that we will continue to bring value to the communities that we serve in destinations that have tourism offering,” dagdag pa nito.
















