-- Advertisements --

Desidido si dating Senator Manny Pacquiao na sampahan ng kasong cyber libel ang vlogger na si Norman Mangusin o kilala bilang si Francis Leo Marcos o FLM.

Kasunod ito sa ginawang pangungutya ni Mangusin laban sa Pinoy boxing icon at ang ina nitong si Mommy Dionesia.

Sinabi ni Pacquiao na pinag-aaralan na ng kaniyang abogado ang nasabing usapin.

Maaring hanggang sa susunod na linggo ay maisasampa na nito ang nasabing kaso.

Nilinaw ni Pacquiao na wala itong anumang personal na galit kay Mangusin subalit mahalaga na sagutin na lamang ang nasabing paratang korte.