-- Advertisements --
Mas pinaigting pa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) angkanilang kampanya laban sa mga hindi rehistradong lending platform.
Ang nasabing hakbang ay matapos ang pagdami ng bilang ng mga nabibiktimang mga Pinoy.
Sinabi ni CICC Executive Director Renato “Aboy” Paraiso na mula nitong Enero at Pebrero lamang ay nasa halos 600 na mga reklamo ang kanilang natanggap.
Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa parehas ng mga buwan noong 2025.
Mayroon ding halos P8 milyon na mga nakuha sa mga biktima dahil sa pekeng lending apps.
Patuloy ang pang-hikayat nito sa publiko na agad na isumbong sa kanilang opisina ang nasabing mapagsamantalang lending apps.
















