Naghain ng kontra-salaysay ang sinasabing ‘bystander’, isa sa mga dinampot at inaresto ng mga pulis sa naganap na Anti-Corruption Rally noong nakaraang taon.
Ito mismo ang ibinahagi ng legal counsel ng naturang respondent na si Atty. Katherine Panguban ng National Union of People’s Lawyers ngayong araw.
Aniya’y inihain ito ng kanyang kliyente upang kontrahin ang akusasyon at reklamong isinampa ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group sa Department of Justice.
Nahaharap raw kasi ang naturang respondent sa reklamong sedition at inciting to sedition buhat nang maganap ang insidente.
Sa panayam sa naturang abogado, binigyang diin nito na walang kinalaman at hindi sangkot ang kanyang kliyente sa kaguluhan nangyari.
Subalit tumanggi naman itong ibahagi ang tiyak na pagkakakilanlan ng kanyang kliyente matapos ang pagdating sa kagawaran.
















