-- Advertisements --

Ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang petisyon ng isang guro kumukwestyon sa isyu ng taas-singil sa basura sa lungsod ng Maynila.

Sa resolusyon inilabas ng Supreme Court En Banc, sinabing bigong masunod ng petisyuner ang ‘basic requirements’ para s a ‘judicial review’ ang inihain petisyon ni John Barry Tayam laban kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at konseho.

Nakapaloob sa petisyon ang kanyang pagkwestyon sa ipinasang ordinansa ng Manila City Council noong Nobyembre 2025 nagpatupad ng pagbabago sa ‘garbage fees’ ng lungsod.

Giit kasi ni Tayam, residente ng Las Pinas City na ang ordinansa ay ‘invalid’ sapagkat wala umanong inaprubahan ‘publication’.

May nilabag rin umano sa batas nang tumaas ang presyo ng singil ng sobra sa limitasyon ng ‘waste regulation’ sa Maynila at pati isyu pang ekolohikal.

Ngunit ibinasura lamang ng Korte Suprema ang kanyang mga argumento sapagkat anila’y walang ‘legal standing’ ang ang petisyuner.

Sa kaso, ang ordinansa ay saklaw lamang ang mga negosyo, service agencies, at residente sa lungsod ng Maynila na ang petisyuner na si Tayam ay di’ kabilang sa mga nabanggit na direktang naapektuhan.