-- Advertisements --

Itinanggi ng Department of Tourism (DOT) ang mga alegasyon na ginagamit ang posisyon nito o pondo ng gobyerno para sa persoinal na promosyon ni Tourism Secretary Esperanza Christina G. Frasco kaugnay ng isang magazine cover, kasunod ng pahayag ng isang photographer sa internet.

Sa pahayag ng DOT na inilabas noong Disyembre 31, 2025, sinabi nitong mali at mapanlinlang ang mga paratang at wala itong kinalaman sa pagpili o paggamit ng litrato sa nasabing publikasyon, na isang pribadong magazine.

Nilinaw pa ng ahensya na hindi nito kinontrata, pinondohan, o direktang kinausap ang pagpapagawa ng cover o feature story ng naturang magazine.

Dagdag pa ng DOT, ang company publication ay may sariling editorial discretion at independently nitong hinahawakan ang World Expo Osaka, kabilang ang mga kaugnay na activity.

Ang pahayag ng DOT ay kasunod ng isang Facebook post ng photographer na kalaunan ay binura, kung saan ipinahayag nito ang pagkadismaya sa naturang magazine cover matapos umano siyang magtrabaho sa pagkuha ng libo-libong larawan ng mga tourist destination sa bansa.