Sinabi ni House Majority Leader Ferdinand “Sandro” Marcos na suportado ng ng Department of Finance (DoF) at ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang kanyang panukalang batas na mag-aalis ng travel tax.
Ayon kay Marcos, nakipagpulong siya kay Finance Secretary Frederick Go, na tiniyak na hahanap ng alternatibong pondo para sa kasalukuyang pinagkukunan ng travel tax, kabilang ang para sa Higher Education Development Fund (HEDF).
Nagkaroon na rin siya ng pag-uusap kay Zubiri, na magsisilbing kanyang counterpart sa Senado sa pagsusumite ng panukala.
Layunin ng parehong kapulungan na isulong ang batas bilang prayoridad sa LEDAC sa susunod na linggo.
Binanggit ni Marcos na lipas na sa panahon ang travel tax at nakakasagabal sa turismo at paggalaw ng mga mamamayan.
Aniya, mas malaking benepisyo ang maidudulot ng abolition ng levy funds kumpara sa kasalukuyang paggamit ng pondo sa TIEZA.
















