Pinabulaanan ng Malacañang na ang mga batikos laban kina Tourism Secretary Christina Garcia Frasco at Health Secretary Teodoro Herbosa, at iginiit na patuloy pa rin nilang tinatamasa ang tiwala at kumpiyansa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang naging pag-uusap ang Pangulo at ang dalawang kalihim hinggil sa umano’y public dissatisfaction na kumakalat sa social media.
Dagdag pa niya, nananatiling maayos ang katayuan nina Frasco at Herbosa sa Pangulo.
Si Frasco ay binatikos online kaugnay ng umano’y self-promotion at mga tanong sa prayoridad ng tourism campaign, habang si Herbosa naman ay nasasangkot sa social media scrutiny kaugnay ng mas malawak na isyu sa sistemang pangkalusugan. (Report by Bombo Jai)
















