-- Advertisements --

Pag-aaralan na ni Tourism Secretary Christina Garcia Frasco ang deregulation sa mga airline industry sa bansa.

Kasunod ito sa reklamong natatanggap niya na labis ang taas ng pamasahe sa eroplano patungo sa mga tourist destination sa bansa kaysa sa airfare na patungo sa ibang bansa sa Asya.

Dagdag pa nito na ang airline industry ay na-deregulated na noon sa pamamagitan ng executive order mula pa noong 2011.

Hiniling na rin ng Department of Tourism sa Civil Aeronautics Board (CAB) para magpresenta ng buwanang ticket pricing para sa mga eroplano.

Una ng ipinaliwanag ng CAB na ang mataas na pamasahe sa mga eroplano ay galing sa mga iba’t-ibang travel agencies sa bansa na nag-aalok sa mga lokal tourist destinations.