Umakyat na sa 40 ang bilang ng mga nasawi sa naging paglubog ng MV Trisha Kerstin sa Basilan matapos na makarekober ang mga otoridad ng tatlo pang bangkay ng mga pasaherong lulan nito.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang nakarekober sa mga bangkay aay ang lokal na pamahalaan ng Hadji Muhtamad partikular na sa Baluk-Baluk Island habang ang isa naman sa mga labi ay namataan sa Lantawan Island.
Agad namang dinala sa Zamboanga City ang ma labi para sa identification at sa proper disposition ng mga ito.
Samantala, tiniyak naman ng Maritime Industry Authority (MARINA) na isasailalim nila sa pagsisiyasat at review ang mga naging pahayag ng mga survivors sa insidente na mayroong naging kakulangan sa mga life vests, mga nawawalang pangalan ng mga pasahero, at ang barko ay isa umanong replacement.













