-- Advertisements --

Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) divers ang tatlo pang labi mula sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa karagatan malapit sa Baluk-Baluk Island nitong araw ng Linggo, Pebrero 15, 2026.

Bunsod nito, umabot na sa 57 ang bilang ng mga nasawi, habang 293 ang nailigtas at 22 pa ang nawawala.

Ayon sa PCG, ang opisyal na bilang ay mula sa koordinasyon ng PNP-SOCO, CDRRMO, Coast Guard District Southwestern Mindanao, at mga pamilya ng biktima.

Samantala, nagsampa na ng kaso ang Department of Transportation laban sa tatlong opisyal ng Maritime Industry Authority (MARINA) kaugnay ng pag-isyu ng safety certificates ng barko. Posibleng overloading ang isa sa mga sanhi ng trahedya.

Inihahanda na rin ang kanselasyon ng Certificate of Public Convenience ng Aleson Shipping Lines, na kasalukuyang suspendido ang operasyon habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.