Tukoy na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kinaroroonan ng lumubog na MV Trisha Kerstin 3 sa karagatang sakop ng Baluk-Baluk Island, Basilan.
Ayon sa PCG, nakahiga ang barko sa east-to-west na posisyon. Isang bangkay ang narekober sa lugar, kaya umakyat na sa 43 ang bilang ng mga nasawi, habang 316 ang naitalang nakaligtas.
Kinumpirma rin ng side-scan SONAR na ang barkong nakita ay ang MV Trisha Kerstin 3, bagama’t hirap parin isagawa ang operasyon dahil sa malalakas na alon at hangin dulot ng Tropical Depression Basyang.
Matatandaan na ang MV Trisha Kerstin 3, isang passenger ferry na pag-aari ng Aleson Shipping Lines, ay lumubog sa dagat ng Basilan noong madaling araw ng Enero 26.
Inaasahang magpapatuloy ang diving operations sa Miyerkules, Pebrero 5.















